Uncategorized

PANAHON

Bawat tao may kanya- kanyang panahong inilaan ang Panginoon.
Bawat tao may Kanya-kanyang pagkakataon.
Bawat panahon may maganda, masama, malungkot, masayang pangyayari.. mga panahong tila ba di mawari.
Bawat panahon kanya-kanya ang mga leksyon.
Na naging direksyon para sa ating kanya-kanyang destinasyon.

Sa mga taong tila ba di na nila alam kung saan pa sila dadalhin ng pagkakataon..
Sa mga taong pakiramdam nila ay tila ba wala na..
Sa mga taong nakangiting nais mag balik tanaw sa nangyari noon..
Narito ang panibagong artikulo na tutulong sayo.

Balik-tanaw

Kay sarap balikan ala-ala nang nagdaan.
Noong bata pa tayo napaka simpleng mamuhay.
Gigising tayo sa umaga, papasok sa eskwelahan..
Magpapasaway sa teacher dahil tinatamad magsulat.
Mang-aaway ng kaklase kasi bored sa klase.
Kunyari nag te-take notes yun pala nag do-drawing ng paboritong cartoon character at nagle-lettering na sa likod ng notebook.

O dikaya nag pe-FLAMES/ HOPE na pala ng pangalan ni Crush.

Naranasan mo ding magsulat sa SLUM BOOK ng kaklase na pag balik sa’yo kay crush agad titingnan mo.
Naranasan mo ding malate sa klase sa iba’t-ibang dahilan.
Naranasan mong mapatayo na nakatayo sa harap ng pisara.
Naranasan mong maagawan ng baon. Matapunan ng juice. At maubusan ng paborito mong tinapay sa canteen.
Naranasan mong mag taas ng kamay sa klase kasi confident ka na alam mo ang sagot pero ang totoo mali naman.
Naranasan mong magsagot ng juanport plus triport mag divide na gumagamit ng bakod. Mag multiply na pati daliri sa paa kasama na. Nag dagdag gamit ang mga tansan ni titser na si asul at si kulay rosas. Naalala mo din minsan kang natuwa ng malaman mong naging honor student ka. Sobrang saya mo kasi kahit makulit ka kay Mam nakasali ka sa Top.
Minsan mo ng maranasang pumasok sa paaraalan ng walang takdang aralin. Minsan mo ng naranasang mang-gaya sa umaga sa takot na baka mapatayo ni Mam at Ser.
Pagpapasok kayo sa klasrum naka suot kayo ng shoe rug. Para di daw magasgasan ang sahig na pagyuko mo makikita mo na ang repleksyon mo, pero pag lalabas ka di mo hinuhubad kaya sa hapon pag linisan magagalit na ang cleaner dahil ang daming lupa ng sahig.
Tapos bago umuwi pag hindi ikaw yung laging nagpapaiwan para mag linis ikaw naman ang nauunang umuwi kasi tinatamad at tumatakas sa cleaner. Tapos pag pasok mo sa umaga may multa kang limang piso pambili ng sabon at plorwaks.

Naranasan mong kaibiganin ang taga lista ng maingay para di makapag multa at para safe ka sa parusa.
Naranasan na maging taga lista ng maiingay. Kadalasan mga sekretarya ang nandito.
Naranasan mong mapa sama sa officers pero ang tingin sa inyo ng iba nyong kaklase kayo ang mga grupo ng sipsip.
Naranasan mong matulog sa klase puyat ka dahil may sinubay bayang isang teleserye.
Naranasan mong mapa guidance na itong si Mam guidance couselor nanawa na sayo.
Naranasan mong mag pa pirma ng isang pirma piso para sa mga fund raising ng school.
Naranasan mong magperform sa stage na feeling mo sikat kana agad.Buhay Estudyante palang yan.

Buhay naman bilang bata.
Noong mga panahon noon masaya kaming naglalaro ng tumbang preso, pisiner, patintero, ten-twenty, luksong baka, luksong tinik,

tagu-taguan (na sa sobrang kaba mong baka mahanap ka ng taya ay napapaihi ka sa short mo), open the basket, piko, holens, text, pogs, pitik goma, jackstone, bahay-bahayan kung saan may nanay, tatay, kuya, ate, bunso, lolo at lola sama na buong pamilya. Na wala ng ibang mas sasaya pa sa sabado at linggo mo sa maghapong paglalaro mo.
Hindi mo makakalimutan ang mga kantang…

“I wanna be a tutubi na walang tinatagong bato na nahulog sa lupa tinuka ng manok na na nanggaling pa sa bundok..”

“Saw-saw suka mahuli taya!”

“Sharon Cuneta, Robin Padilla, Erap Laki mata, Gloria laki nunal sinong di marunong mag-basa?!”

” London Bridge is falling down, falling down, falling down, London bridge is falling down my first lady.” At marami pang iba.

Sa iyong pag-babasa unti-unti mong naalala ang mga nalaro mo noong bata ka. May ngiting naidulot sa’yo ang pagbabalik tanaw mo.

Sa bahay naman.
Minsan pag uutusan ni Nanay hindi pwedeng walang Upa na pera. Minsan magkukunyaring tulog sa hapon pero pag alam na tulog na si Nanay hala karipas na. Laging sinasabing “Matulog ka ng tanghali para lumaki ka” minsan ako kahit sa sarili ko iniisip ko parin ang malalim na dahilan kung bakit kailangang matulog ng tanghali.
Minsan ang pagbabalik tanaw minsan kailangan din natin yan, di para tayo manatili doon kundi maging mapagpasalamat sa kung sino at kung ano ang meron tayo ngayon.

Panahon noon na masayang iexplore ang mga bagay-bagay. Panahon kung saan di problema kung ikaw ay mangingitim ba o hindi.

Mga panahong kahit babae ka natuto kang gumawa ng saranggola.

Mga panahon na tila ba isang palabas na ang sarap sariwain.

Panahon kung saan nandiyan na ang lahat nang pagbabago.
Unti-unti ng lumalaki ang dibdib ni Nene.
Unti-unti ng nagkakameron ng buhok sa kung saan-saang parte ng katawan.
Unti-unti nang gumagawa ng isang compound ang mga tigyawat.
Unti-unti nang nawawala ang hilig sa pag-lalaro.
Unti-Unti nang lumalaki ang boses ng ibang lalaki.
Ito ang panahong nadama natin, lalo na tayong mga babae ang pagiingat ni Nanay sa atin. Sa mga lalaki ito ang panahon kung saan mas gusto nyo nalang gawin lahat ng naiisin niyong gawin.
Ito ang panahon nang pagdadalaga at pagbibinata.
Simula ng magkameron ng kulay pulang tinta sa iyong pasador, simula ng lumaki ang iyong Adams Apple ay simula din ng unti-unting pagbabago ng emosyon at lahat-lahat sayo.
Panahon na unti-unti ka nang nag aayos kasi may crush o di kaya may nililigawan kana.
Panahon kung saan akala natin tama ang nararamdaman natin.
Panahon na kung saan masasabi nating tayo ay mga mapilit.
Panahon kung saan maraming bagay na gusto mong ma explore. Na ang iba ay dinaig pa si Dora the explorer sa pag eexplore.
Panahon kung saan tayo ay mga sige sige sa galaw, pagiisip at aksyon.

Dahil likas sa edad na ganun ang mga katangiang nabanggit. May iba na nagkamali sa daan na nalakaran, may iba na muntik na at may iba na may nag-alalay para sa tamang daanan.
Ano’t ano pa man ang naging desisyon mo pasalamat ako sa’yo dahil pinili mong maging matapang sa kabila ng lahat ng pagsubok.
At maaring kung ano man ang naggawa mo noon. Nagbigay ito ng isang makulay na buhay sa’yo ngayon.

Ito naman ..
Panahon kung saan mas matured na ang stage kumpara sa kung ano ang nauna. Nandyan na ang schedule mong sabit sabit. Projects that needed to be submit. Sa Prof mong masungit. (Rhyming ah!)
Bago ka makapunta sa tantananan na graduation march tone. Pagdadaan mo muna ang napakaraming mga subjects, exams, quizzes, Minor subjects na feeling Major ones.

Na sa bandang huli bago grumaduate kailangan munang uminom ng napakaraming kape sa Thesis na ipapasa kay Mam na kumare at kay Sir na kumpare.
Panahon kung saan alam mo na mas higit na responsibilidad na ang iyong papasaanin. At journey’ng tatahakin.
Panahon kung saan hinahanda mo na ang iyong sarili, para sa mga gastusing dadating at bill na darating.
At kapag nalagpasan o nalampasan mo na ang panahon na ito. Saludo naman ako sa’yo. Naging matatag kang labanan ang stress at depresyon sa bawat araw ng buhay mo.
Dumating na para iba ang panahon na ito.. maari namang ang panahon ito ay dadating palang. Payo ko sayo tibayan mo ang iyong loob.

Panahon naman nangpatatrabaho.. mas mahirap.. lalo pa kung ikaw ang bread winner ng pamilya.

Lahat gagawin para sa kanila.
Panahon kung saan may boss ka, magtatravel ka from work to bahay. At marami pang iba. Pag may trabaho ka ang wallet mo parang sibuyas na umiiyak pagka raan ng limang araw. Sa mahal ng bilihin. Sa mahal na ng gas. Buti pa sila nagmamahalan este ano daw? Hahahaha.
Kung ikaw naman ay nasa panahon na ito… mahalaga padin na ikaw ay may ipon.

Fast forward..
Panahon ng paghihintay…
Panahon na meron ka ng iniirog…
Panahon na ninanais mo na siyang iharap sa Diyos at sa mga mahal nyo sa buhay sa isang kasal…
Panahon na meron na kayong mga anak..
Panahon na nagka-apo kana…
Panahon kung saan kulubot na ang balat at humor nalang ang meron kayo.
Panahon kung saan maari ng magpa-alam ang isa.. o maaring magsabay pa…

Panahon na di mawawala ang lungkot, saya, dalamahati, pighati, stress, depress at iba pa.

Ang lahat na pangyayari sa daigdig ay nagaganap sa panahong itinakda ng Diyos.

Ano’t ano pa man ang ating panahon.

Ito ay inilaan para sa atin para sa ating tunay na buhay kapiling ang Panginoon.

Ni mga salita’y di ito mawawari. Ni salita’y di sasapat kung isasalaysay ito ng tapat.
Panahon.. kanya kanyang panahon.. at habang may pagkakataon at panahon.. pumili na tayo ng tamang desisyon.
May panahon pa na manumbalik sa Panginoon, may panahon pang iahon ang sarili sa pagkaka lugmok.
May panahon pa para magsisi sa mga kasalanan may panahon pa.
Dahil hindi natin mamalayang lilipas at lilipas ang panahon.
Wag na nating paabutin ang huling araw bago tayo magdesisyon.

Maaring magulo ang pagkaka lathala ng sa Panahon at ano man ang panahon mo wag mong kalalimutang magpasalamat sa Diyos mo.

Lahat ng papuri sayo o Diyos!♥

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s