Uncategorized

PATUNGO SAAN?

Minsan dumadating sa punto ng buhay natin na pagod na pagod tayo at ang gusto nalang natin ay ang makapunta sa lugar kung saan tayo may kapayapaan, makapunta sa lugar kung saan tahimik, makapunta sa lugar kung saan ikaw at SIYA lang, sa lugar kung saan masasambit nating.. “I am home..”

Patungo nga ba saan ang buhay na ito?
Patungo nga ba sayo ang nilalakaran ko?
Patungo saan para makabalik muli sayo?

Minsang naranasan ang saya na tila ba hindi na mawawala…
Minsang naranasan ang presensya mong kamangha-magha..
Minsang nanabik makipag-usap at magbasa ng mga salita mo…
Minsang naranasang kakaiba talaga sa piling mo..

Inaamin ko mas nasunod ang kalooban ko..
Inaamin ko ipinagpasa walang bahala kita..
Inaamin ko nakalimutan ko na ang tunay na lalakaran ko patungo sayo..
Inaamin ko naging mahina ako pero pinilit ko padin ang mga bagay bagay sabay sabing “Hindi kaya ko pa to.”
Inaamin ko bumalik ako sa kung sino ako noon..
Ngayon di’ko na alam ang daan pabalik sayo…

Hangad kong muling bumalik sayo..
Muling maranasan ang buhay na meron sayo.
Hangad ng puso ko ang makamit muli ang pangako mo..
Nawa’y sa bawat panalangin ko ay lingapin mo..
Hangad ng isip ko tumahang muli sa daan mo..
At muli mong magamit sa kalwalhatian mo..

Ayoko nang mag pa alipin pa..
Sa mga kasalanang paulit-ulit ko nang nagawa..
Ayoko nang lumayo pa..
Ayoko nang kayanin mag-isa..
Ayoko na.. tapos na.
Tapos na ang tila isang magulong dakong salasabat..
Tapos na!

Napagtanto kong muli..Na si Hesus ang daan para makabalik.
Patungo sa kanya ang daan pabalik.

Babalik sayong sabik na sabik.

” A life without direction, is a life leading to destruction”

Sa Diyos ang lahat ng papuri ♥

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s