Uncategorized

Sulat Pahayag

Napaka-tagal na ng panahon nang huli akong lumikha ng mga akda. Maraming pagkakataong gustong gustong magpahayag ng nadarama pero tila ba pinipigilan ng tadhana. At sa pagkakataong ito, nais kong ito ang unang maging pahayag ng aking puso sa taong ito.

pen-and-book (1).jpg“SULAT PAHAYAG”

Sa pagsisimula’y nais ko nang sabihing sana’y ito ay iyong basahin. Kahit alam kong di mo nais ang mahahabang pahayag na ganito, kung iyong mamarapatin ay nawa ito ay iyong pansinin. Sapagkat ito na lamang ang alam kong paraan para maipahayag ko ang aking damdamin.

Nagsimula ang lahat sa makabagong teknolohiya. Nang ako’y mag tanong sa iyo kung ikaw ba yung taong nakita ko noong araw na may kasiyahan. Sambit mo noon ay hindi ikaw, sa kadahilanang hindi ka naman nalalagi sa nasabing lugar at abala ka sa paglilingkod sa Maykapal. Malalim ba? Ipagpaumanhin mo ang paraan ng pananalita ko ngayon. Nais ko lamang ipabatid sa ganitong pamamaraan at iparamdam sa iyo na kahit nasa modernong panahon na tayo ay may isang taong naghayag sa pamamaraang ito. Tuwing sasapit ang ika-pito ng gabi hindi na magkamayaw ang aking sarili dahil alam kong ayon na ang oras ng ating pag-uusap sa tinatawag ng mundo na “Messenger”. Nagkakilanlan at nalamang tayo pala ay momento na noon pa lamang. Programang “Outreach Program” doon nangyari ang momentong di inaasahan. Batid mong ika’y aking sinungitan noong ika’y naghahanap ng basong maiinuman kasabay mo din ako sa lugar kung saan nakalagay ang tubigan, at nang ako’y makatapos sa aking pambabatid ng uhaw ay bigla ko na lamang iniabot ang baso sabay sabing “oh ito wag ng maarte” at umalis nalamang ng tuluyan at ikaw ay naiwang naka tulala sa kawalan. Kalauna’y nagsabi ka na “Tara gala tayo sa dagat. Sunduin kita” hindi na nag alin-langan pa bagkos ay pumayag na. Sa unang pagkakataon tumakas ako, nag matapang para sayo. Hindi ko makakalimutan noong unang beses mo akong makita sa may hintayang tinatawag nila “Waiting shed”. Pag dating na pagdating mo sakay nang nakakamangha mong motor bungad mong salita ay “Hey! is that you?” Na sa unang pagkakataon nalaman kong ganoon pala kalalim at kalaki ang iyong tinig ng malapitan. Nang makarating tayo sa ating destinasyon natatawa akong alalahanin ang pagkaka-kanta mo ng “Amazing Grace” at ang mga kwentuhang di magkamayaw. Kalaunay ika’y nag paalam.. “Ayoko na. Mag focus muna ako kay God” na mas ikinatuwa ko ng malaman ang pagnanais mong siya ay paglingkuran. Di kalaunan ika’y muling nagparamdam. Masaya ng malamang ikaw ay nakaka alala. Naging magkaibigan na tila ba isa ding sandigan. Sa mga panahong ako’y may depresyon tinig mo ang siyang naging ka tuwang. Masaya, sobrang saya.

Pero doon ko napatunayang hindi pala lahat ng masaya ay tama”

Tumagal ng limang buwan. Hanggang sa dumating sa punto na kailangan kong mamili sa desisyong Mananatili pa ba ako kahit alam kong di tama o Iiwan ka at susundin kung ano ang tama. At sa pangalawang pagkakataon, muli na namang maghihiwalay ang ating landas.

Hindi ko sukat akalaing magiging ganito ang tadhana natin. Pero nais ko lang sundin ang Ating Amang Lumikha. Mas mahalin siya at parangalan siya.

Masakit sa aking puso ang desisyong aking nagawa pero ako’y naniniwala sa katagang “Ang ang mabuhay ay para kay Kristo at ang matatay ay kapakinabangan” Na sa bandang dulo alam kong Siya din ang makikinabang dito.

Bawat araw pinipigilan ang sariling wag kang alalahanin. Pero minsan na nanaig padin ang aking damdamin. SOBRANG MISS NA KITA. Hayaan mo hinding hindi ka mawawala sa panalangin ko. Na kung mangyari man na ikaw at ako padin sa dulo. Sa pagkakataong yun di na kita muling bibitawan pa.

Luha sa mata’y nanliligid na. Kaya siguro ay dapat ng itigil pa. Huling salitang aking nais ipahayag…

“Munggi.. mahal kita

Humihiling pading “sana kapag pwede na ay pwede pa.…”

na kapag nasa tamang panahon na ika’y aking muling makita. Pero kung pareho pala tayong nakalaan para sa iba. Nawa ay ang pagmamahal niya ang siyang ating patuloy na maipadama.

Salamat.. Salamat sa kanya at unti unti ng gumagaan ang aking pakiramdam. Mula ng hayaang siya ang masunod. Huling talata sa bibliya na aking nabasa at pangako niyang aking panghahawakan…

Mangyayari ito sa takdang panahon

Pagkat akong si Yahweh ang nagsasalita ang magsasagawaIsaias 60:22

Ang tanging kaya ko lang gawin ay ang magtiwala sa kanya.

Sulat pahayag na ito’y akin ng tinatapos. Ngunit pagmamahal ko’y patuloy na sa iyo binubuhos.

Magpakatatag ka rin sa iyong pananampalataya. Wag na wag hahayaang relasyon ay mawala. Salamat. At ang Papuri ay para lang sa kanya.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s