Uncategorized

TULONG

Salitang minsan madalas mong madinig..

Salitang minsan nais mong sabihin ngunit pakiramdam mo ay walang handang makinig..

Salitang gustong gusto mong ipahiwatig pero nauuwi sa walang pag imik.

“TULONG... tulungan niyo ako

May handa pa kayang tumulong ng totoo sa tulad kong nangangailangan ng tulong..

TULONG ©2019

Simulan natin sa mga katagang palagi nating nadidinig

“Walang sinuman ang nabubuhay para sa sarili lamang”

Sa buhay di talaga natin makakaya na tayo lang. Dadating at dadating sa puntong nanaisin mong may kasama kang tutulong sayo.

Sa hiwaga ng buhay minsan kung sino pa yung tinulungan mo, yun din pala ang makakatulong sayo.. minsan naman tinulungan ka lang pala para sarili niyang pagtanyag.. minsan naman tinulungan ka dahil mahal ka talaga.

Ito ay isang sulat ng kwento ng isang babaeng nangangailangan ng tulong. Nahihirapan na siya, at dun talaga natin masasabi na kailangan niya ng tulong kasi nahihirapan na siya.

Halos lahat na yata sa aspeto ng buhay niya, nag susumigaw siya ng tulong. Pinansyal, kalusugan, mental, emosyonal, pamilya, relasyon at higit sa lahat espiritwal na aspeto ng buhay niya.

Nakakayanan niyang masulosyunan ang iba gaya ng pinansyal,

iisipin niya lang na dadating din ang panahon na magkakameron siya hindi para lang sa kanya kundi para din maging pagpapala sa iba. Kalusugan, iniiwasan niyang kumain ng mga bawal, natututo siyang kumain ng pagkaing alam niyang malaki ang maitutulong sa kanya. At mayroon din namang aspeto sa buhay niya na hindi niya alam kung paano pa ba susulusyunan.

Mental. Alam niyang wala siyang kakayanang kumunsulta sa mga espesyalista pero sa pag aaral niya tungkol sa kamalayan sa mental na aspeto ng isang tao, nasasabi niyang “may ganito ako…”

Natutunan niyang di lahat ng nakangiti ay totoo ang ngiti.. may iba at karamihan sa kanyang nakakasalamuha may kanya kanyang laban sa utak ang pilit na pinagtatagumpayan. Madalas hindi siya makahingi ng tulong kapag mental na ang usapan, sasabihin lang kasi ng iba “nag dadrama ka lang!”. Na sa bawat araw niya lumalaban siya, nilalabanan niya ang sakit na tila ba patuloy pang lumalala sa kanyang pag-iisip.

Emosyonal. Ito ang unang dahilan kung bakit kapag nag sasabi na siya tungkol sa kung ano talaga ang kalalagayan ng kanyang isip karamihan ng kanyang nadidinig “nag dadrama ka lang!” akala nila ‘best actress’ lang siya. Pero hindi nila alam sa bawat salitang nabibitawan nila sa kanya mas nahihirapan siyang lumaban at lalong nahihirapang pagta gumpayan ang kanyang nararamdaman. “Tulungan niyo naman akong i kontrol ang emosyon ko” sigaw niyang pilit sa kanyang loob.

Pamilya. Pinaka pundasyon ng pagkatao, ng isang tao. Karamihan ng taong makakakita sa kanyang pamilya, tila ba akala nila perpekto at masayang nagmamahalan ang miyembro ng bawat isa. Pero sa likod ng ‘akala’ ay ang katotohanang, siya ay nakakaramdam na tila ba hindi tama. Minsan niyang sinubukang magpahayag ng kanyang nadarama, sa kanyang pagpapahayag akala niya’y kanyang pamilya ang unang makakaintindi pero pamilya pa niya ang di umintindi at humusga agad sa kanya. Simula noon di na niya alam pa kung ano ang gagawin, naging kimi siya at takot nang magpahiwatig. “Mahal ko kayo, pero bakit ganito. Tulong at pang unawa lang ang nais ko ngunit, ni ang mga yun di’ko maramdaman at maranasan sa inyo.”

sa kadahilanang di niya mahanap at maramdaman ang pagmamahal, pag unawa at tulong sa sariling pamilya hinanap niya ito sa isang relasyon.

Relasyon. Pumasok siya sa isang relasyon kung saan napatunayan niyang

“madaling pumasok sa isang sitwasyon, pero mahirap makalabas doon”

Hindi dahil sa hindi niya mahal.. mahal niya at patuloy niyang minamahal, pero sadyang may nagsasabi lang sa kanyang

“Hindi ito ang tamang panahon..”

Na tila ba isang domino na natumba na nag tuloy tuloy na.

Na kung unay tila ba maayos ang lahat sa buhay niya, pero sa isang iglap ay nabago. Ang storya na biglang nag iba, pakuwa kunwari pa siya walang nadarama,

“OK LANG AKO!”

Yan ang malimit na lumalabas sa labi niya. Pero sa loob loob niya sumisigaw siya ng tulong.

Nang minsan sa kanyang pagka balisa, may isang taong buong sinseridad na nag tanong…

“Kamusta ka? alam ko at ramdam ko ang lalim at ang bigat ng dinadala mo..”

Di na niya napigil bigat ng kanyang damdamin. Sa wakas alam niyang may makakatulong na sa kanya. Ginawa nang lahat noong taong nagtanong sa kanya ang lahat ng kanyang makakaya. Pero mali padin ang kanyang naging desisyon.

Doon niya napag tanto, na di niya pala matulungan ang sarili niya. Kaya hindi siya makaalis sa sitwasyon niya..

“Minsan sa buhay natin, ang unang kailangang tumulong sa atin ay ang mga sarili din natin. Kung napapagod kana, may pag-asa pa na darating. May pag-asa pa para makabangon. May dadating pang pagkakataon. Pero una mong kailangan mong ibigay ay ang TULONG sa iyong sarili.”

Hindi laging lumubog lang ang araw, sa pagsikat nito, tulungan mo din ang sarili mo.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s