Uncategorized

Lettre f Ouverte

French translation of ’open letter’ NOUN lettre f ouverte

‘Lettre f Ouverte’ ang arte pa ng title open letter lang naman sa tagalog. hehe

Naka higa ako kanina, nang biglang pumasok ang ideyang lumikha ng isang sulat. Dali-daling tumayo at nag simulang magsulat..

Kamusta kana? Pasensya ka na ito na naman ako muling idinadaan ang mga salita sa pagsulat. Alam mo naman mas napapahayag ko ang saloobin ko kapag idinadaan sa sulat. Saan ko ba ito sisimulan? Siguro mahaba haba na naman itong paliwanagan. Pero gusto ko munang balikan, ang pagkakataong hindi talaga inaasahan.

Siyam na taon na ang nakakaraan na ikaw ay makilala. Mula sa mga mag kakaibang pamilya, sa di inaasahan nag turingang tunay na pamilya. Habang nakatuon ang isip sa bawat salitang sasambitin, hindi ko namalayan ito na naman ako mag lalabas ng saloobin. Sa bawat araw na lumilipas pag-unawa ang siyang patuloy na binibigay na “ah baka ganito lang talaga?” pero sa pag iisip at tagal ng panahon naobserbahan kong “oo hindi pala ganun lang talaga.” Bago ako mag patuloy, gusto ko munang humingi ng tawad sa mga pagkakataong aminado akong sumobra ako, nagkulang ako, nagkamali ako. Patawad sa mga araw na nagagalit ako. Patawad sa kung sino ako… Tatlong beses palang sa loob ng siyam na taon na ikaw ay matinding nakausap, nalapitan, napag sabihan. Hinding hindi ko malilimutan ang mga araw na iyon nakatatak na yun hanggang ngayon.

Wala nang halong pagtatago, wala nang halong paligoy-ligoy. Nakakalungkot, lagi kong ginagawa ang abutin ka pero di talaga kita maabot. Tila ba hanggang ngayon may pader padin sa pagitan nating dalawa. Nakakalungkot, na minsan napapaisip na ako “Tunay ka pa ba sa pinapakita mo?” kasi pag nasa ganitong lugar tayo ibang-iba ang pakitungo mo pero kapag nasa bahay nalang tayo mabibingi sa katahimikang mayroon tayo. Nakakalungkot at sa isang banda kailanman ay di ka nagkwento sa akin. Habang pinapanood kitang nag kukwento at nang hihingi ng panalangin sa isang kakilala natin, di ko maiwasang sabihin sa likod ng isip ko “sana ganito kadin sa akin.” Siguro, maaring hindi pa nga lang talaga ako katiwa tiwala para mapag sabihan mo. Nakakalungkot na laging nararamdaman ko mula sayo ay kundi pag-kairita, o minsan alam mong di na agad interesado sa kung ano man ang sasabihin ko. Patawad kasi pakiramdam ko ako ang may mali, ako ang may pagkukulang, ako ang dahilan kung bakit ka ganyan. Patawad sa mga pagkakataong napapaisip ako nang mga bagay na “buti pa sa ibang tao magaling, buti pa sa ibang tao nagagawa ito.” Alam ko naman na lahat tayo ay di perpekto, lahat tayo madalas ay nagkakamali at alam ko din maraming pagkakataon na nagkapatawaran. Ang bigat sa loob. Ang hirap makisama sa taong ang pinaparamdam sayo ay ayaw kang kasama. Hindi ko alam ang mga susunod na mangyayari. Basta hindi ako titigil sa pananalangin. Panalangin di lang pagpapala sa buhay mo, kalusugan mo, kundi nawa dumating ang panahon na maging lapat din tayo. Kungdiman yun mangyari, alam ko masaya ka sa buhay mo at hayaan mo masaya din ako para sa iyo. Sabi nila mapalad ako kasi meron akong ikaw. Oo alam ko mapalad ako at sobrang ipinag papasalamat ko yun, kasi kung hindi dahil sa buhay mo, wala ako ngayon dito sa kung nasaan man ako.

Siguro ganito lang talaga ako mabilis maapektuhang tao, pero alam kong kaya ganito ako kasi nagmamahal akong totoo at kapag nga naman nag mamahal ka ng totoo hindi ka exempted sa sakit kasi tatanggpin mo kung ano man ang ibinibigay ng tao sayo hindi man masuklian kung anong ibinibigay mo.

Maikli lang to. Salamat. Patawad. Yakap.

Mahal kita sobra, mahal ko kayo sobra. Hayaan mo sa bawat araw naman ng buhay ko lumalaban ako, nag papaproseso sa Diyos at unti-unting lumalago at natuto. Huling beses na sulat na ito hahayaan ko na ang Diyos ang siyang patuloy na kumilos. Kailanman alam nating pareho mabuti ang kayang pagkilos.

PADAYON…

SA DIYOS ANG PAPURI!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s